Mga Kabuuang Pageview

Sabado, Abril 9, 2011

NAKAKALOKA!

Maraming mga bagay-bagay sa ating bayan ang nakakaloka. Iyong tipong alam mo yung explanation pero di mo pa rin ma-gets kung bakit nangyayari iyon. Meron din ibang bagay na sadyang nangyayari pero yung tipong wala lang. Narito ang mga ilang katanungan na umuukilkil sa akin kung bakit ganito? Bakit ganun?
Timing ngayon yung controversy na nangyari sa show ni Willie sa TV5. Maraming nagreklamo at nagsasabing child abuse daw ang nangyari. Ilang civil-society groups, government agencies at iba pang indibidwal ang kumukondena sa pangyayaring ito. Pati mga advertisers ay nag-pull-out na din habang hindi pa natatapos ang investigation. Napansin ko lang imbes na magpakumbaba ang host, hinamon pa nito ang mga advertisers na iboboycott ng mga supporters niya ang mga produkto. Hello, bago pa sila nag-place ng ad sa show na iyon ay malalim na ang foundation ng mga kumpanyang ito. Kilala na ang mga produktong ito at hindi ang show ang nagpasikat sa mga ito. Hindi kawalan sa kanila ang show na iyon. At isa pa lagi niyang sinasabi na mga mahihirap ang kaniyang followers, ang kaniyang mga followers ang sumusuporta sa mga produkto ng mga advertisers. Question, bongga pala ang mga sinasabi niyang mahihirap na followers niya kasi nakabibili sila ng Technomarine watch na libo ang halaga. Nakaka-avail din sila ng services mula sa Belo Medical Group na napakamahal. Sabi nga ng ilan, hindi kailangang i-broadcast ang mga nagawa mong tulong sa mga kababayan mo kung bukal sa kalooban mo ang pagtulong. Kinukumpara pa nila iyong mga ginagawa ng mga bata sa Going Bulilit na halos kapareho daw ng ginawa ng batang si Jan-jan sa show na iyon. Hello, gag show ang Going Bulilit at bakit kapag sumasayaw ba ang mga batang artista sa Going Bulilit eh umiiyak sila at tipong napipilitan? Lahat tayo may kaniya-kaniyang opinyon, nais ko lang i-share ang aking view tungkol sa bagay na ito makinig man ang iba o hindi atleast nasabi ko ang gusto ko.
Isa pang nakakaloka ay ang mga Public Utility Vehicles na may nakapaskil na No ID, No Discount para sa mga estudyante. Naiintindihan ko naman ibig sabihin nun pero alangan namang kapag magbabayad ka sa driver ng jeep, "Ma bayad ho, etong ID ko." Atleast sa bus may konduktor na siyang namamahala sa mga ID's. Tapos kapag Saturdays at Sundays daw walang discount kasi wala namang pasok ang mga estudyante. Ano kaya yun?! Speaking of jeep nakakaloka kasi kapag hindi mo sila pinapara, hinihintuan ka para isakay, kapag nakasakay ka na at sumigaw ka ng para! tatanungin pa ng driver "may bababa?" kakaloka!
Kapag papasok ka sa mall o sasakay ng MRT o LRT kailangang ma-check yung laman ng bag mo, oo nga naman for security reasons. Ang kaso, ipapabukas lang tapos ipapasok yung stick nung guard na feeling nila may maliit na camera at na-capture na iyong kabuuan nung laman nung bag mo. Para bang inaamoy nung stick kung may droga o bomba ang bag hahaha! Nakakaloka lang kasi kung hindi naman sila ganun ka-strict eh sayang lang yung time mula sa pagbubukas ng bag mo hanggang sa isara mo ito. 
Recently may sinend sa akin ang BFF kong si Haia tungkol sa mga nakakalokang sagot sa mga seryosong tanong, kaso when I've checked my phone, na-delete ko pala hahaha! Pero heto iyong ilan sa mga naaalala ko at na-translate na siya sa Tagalog for the benefit of the doubt. Mga tanong na dapat OO o HINDI lang ang sagot pero binibigyan ng ibang kasagutan.
1. Tanong: Kumain ka na ba? Sagot: Busog pa ako.
2. Tanong: Andiyan ba Mama mo? Sagot: Bakit?
3. Tanong: Matagal ka pa ba? Sagot: Andiyan na!
4. Tanong: Ilang taon ka na? Sagot: Bata pa ako.
5. Tanong: Mahirap bang gawin iyan? Sagot: OK lang.
6. Tanong: Saan ka nakatira? Sagot: Diyan lang.
At marami pang ibang tanong na bibigyan ka ng nakakalokang sagot.
Napapansin ko din na sa lahat ng company na pinagtrabahuan ko ay panay ang tanong sa akin ng mga kasamahan ko kung saan ang probinsiya ko at kapag sinagot ko na "Sa Pangasinan bakit?" May follow-up agad na, "Sa Pangasinan ka pala, may kakilala kang (tao na kakilala nila na taga-Pangasinan din)? Hahaha Hello! Bakit siya lang ba at ako ang tao sa Pangasinan? Kakaloka! O kung may nagmamayabang, "Alam mo kapitbahay ng pinsan ko si Sharon Cuneta." "Alam mo kaklase ng kapatid nung ex ko si Maja Salvador." Hahaha kakaloka eh ano naman ngayon? Hindi naman ikaw ang mismong taong involve. Kakaloka!
Bakit everytime na lang na oorder ka sa mga fast food eh may kung anu-ano pang ipinipilit sa'yong pagkain. Bakit hindi na lang nila i-process iyong order mo ng makakain ka agad. In the first place kaya ka nandun kasi gutom ka at kailangan mong kumain agad.
At ang isa pang nakakaloka, malamang isa ka dun ay yung mga naglala-like ng sariling post sa FB hehehe. In the second place kaya mo pinost kasi like mo 'di ba? Makakatanggap ka ng notification na nagsasabing "You Like your own post." Hehehe. 'Til next time!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento