Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Abril 11, 2011

HOW NOT TO FALL INLOVE daw?

Lahat naman siguro tayo ay naranasan nang umibig. Iyong tipong paggising mo sa umaga ay siya na kaagad ang nasa isip. Iyong kapag kumakain ka ng isda ay mukha niya ang nakikita mo sa ulo ng isda. Lahat ng taong di mo kilala na nakikita mo ay pakiramdam mo siya iyon. Naiinis ka kapag hindi agad siya nagrereply sa mga text message mo. Puwes kung hindi mo pa naranasang ma-inlove at hindi mo pa na-experience ang lahat ng ito, hindi ito para sa iyo. Pero sige na nga basahin mo na rin para just in case ma-inlove ka sa maling tao pagdating ng panahon ay may maging reference ka.


Madali lang ma-inlove pero ang mahirap na part ay ma-fall-out-of-love. Totoo nga ang kasabihan na love is blind kahit most of the time ay kinokontra ito ng mga pilosopo sa pangunguna ko. Kapag na-inlove ka ng bongga given na iyong nao-overlook mo iyong mga konting difference ng taong iyon. Iyong tipong carry lang kasi nobody's perfect naman eh. Iyong tipong napapalagpas mo ang mga kapintasan niya pero huwag ka, kapag sa ibang tao mo ito nakita ay yuckness! Big deal ito sa'yo. Inaamin ko hindi ako perpekto pero madali akong maturn-off sa mga guys na may "P" & "F" at "B" & "V" defect. Well, hindi naman sa nanlalait ako kasi minsan kapag sinasaniban ako ay ganun din naman ako at mas malala pa. 


Naaalala ko pa may crush ako noon at nung nakausap ko siya tinanong ko kung ilan silang nakatira sa bahay nila (full-of-sense question.) Ang sagot niya, "Ang kasama ko lang sa bahay namin ay ang motherS ko at PaderS ko." O 'di ba hindi naman masyadong ma-plural ang kaniyang pananalita?  Meron pang isa, mapormang lalaki, guwapo at talagang heartrob. Minsang namasyal kami at gustong magpahinga ang sabi niya, "Jez diyan mo na lang sa tabi i-Fark iyang motor." O 'di ba para lang siyang si Sandara Fark? Siyempre hindi na naulit iyon at baka kung saan pa kaming Fark pulutin. At ito ang pinakabongga sa lahat, may ka-text akong taga-Calaocan (barangay ito sa amin at hindi iyong city sa Manila Zoo, obvious ba sa spelling). Nagkikita naman kami paminsan-minsan at siya din pala si Ambitious Carabao na gustong magsuot ng FUBU sa Farmville. Friends lang kami kasi may jowa siyang DOG (Dirty Old Gay, o may naimbento akong acronym), sa text lang ako nakikipaglandian sa kaniya though may HD ako (Hidden Desire) pero hanggang dun lang iyon at wala akong balak na ahasin siya kay DOG. So isang gabi katext ko siya at ito iyong takbo ng aming textan. 
AKO: So kayo pa ba ni DOG? 
FUBU: Oo
AKO: Friends lang naman tayo di ba?
FUBU: Oo naman walang problema basta DON'T TOLD TO HIM HA?
Hay dun biglang naglaho ang aking pantasya sa kaniya. Kung maririnig lang niya ang tawanan namin ng BFF kong si Haia noon malamang isinumpa na niya kami. Whatta golden message!


In a serious topic naman tayo, totoong madaling ma-inlove kasi wala namang bayad eh, ang mahirap ay ang maintenance ng relasyon financially at emotionally. Ang hirap nung pakiramdam na nasa kalagitnaan kayo ng love story ninyo tapos parangg pirated DVD na bigla na lang nawala ang eksena. Mahirap maka move-on at maka get-over pero lahat naman may prosesong dapat sundin. Kung sana ang lahat ng tao kasing impulsive ko. Iyong tipong I love you now goodbye later. Pero mahirap ang ganun kasi most of the relationships I had doesn't have a closure. May namamatay na lang na ex na hindi mo man lang nakakausap. May nginingitian ako na ex iyon pala galit sa akin. Iyong tipong ganung mga moment. Mag concentrate ka sa mga bagay na nagawa niya na nakapagdulot sa iyo ng sama ng loob pero huwag na huwag kang magtanim ng sama ng loob kasi masama iyon physically at emotionally. Tingnan mo lamang ang mga nangyari sa iyo na parang tumitingin sa picture at huwag mo nang i-internalize ang feelings mo during that time.
There's no such thing as happy-ever-after sa relationship. Sino ka? Si Cinderella? The only permanent thing in this world is constant. I-divert ang attention mo sa ibang bagay. Gumawa ka ng kakanin o ice candy at ibenta mo sa mga kapitbahay. O kaya gumawa ka ng blog parang itong binabasa mo. Ang sa akin lang, base lang ito sa mga experience ko sa buhay at pag-ibig na siyang humubog sa akin bilang isang mabuting mamamayan ng ating bansa. Bongga ang konek!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento