Naalala ko pa noong dumating ka sa buhay ko,
may pag-ibig sa'yo agad nabihag ang aking puso.
Ang buhay ko'y nagbago sa bawat oras na lumilipas,
lagi ka sa aking tabi sa bawat oras na kailangan ka.
Ikaw na nga ang pinakahihintay sa buhay
pag-ibig ko sa'yo lang binigay
ika'y dumating sa tamang oras.
Hindi ko malimot ang mga nagdaang araw sa buhay
pinawi mo'ng lungkot at takot sa puso.
Nais ko lamang na malaman mo
hindi bawat araw ay mayroong katulad mo
nag-iisa ka dito sa aking puso.
♥♥♥
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento