Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Marso 17, 2011

FINDING JEZI

Hindi ko pa nababasa yung book na Eat, Pray, Love o kahit napapanood sa movie pero may idea kung ano yung laman nung kuwento. Hello, nabasa ko naman kahit paano sa National Bookstore yung synopsis no.
(Note: Hindi po ako yung nasa picture. Model ko siya.)
Recently I made a trip to a place where I could find a solitude, wow ang lalim. Parang I just want to assess myself. Find myself kasi lately napapansin ko parang sa dami ng gusto kong gawin sa buhay at sa dami ng choices na pwede kong pagpilian, hindi ko na alam kung ano ang dapat kong i-prioritize. So yun nga, I went to a secluded place and stayed there for a night. I can't help but compare how people in that place live a simple life. I achieved a lot in life, met a lot of people and been to a situation that others may have only dreamed of but still may kulang. I know that it's not money because as what we always say, nauubos iyon but not the experiences and knowledge that you have. Napakasimple ng gusto ko sa buhay yet it seems so hard to achieved. I just want to live a simple life. 


On my way to this place, ang dami kong questions sa isip. Bakit parang napakadali sa iba ang mga bagay pero may mga taong nahihirapan naman sa partikular na bagay? Bakit kaya kapag nakuha mo na ang gusto mo, hindi ka pa rin makuntento? Bakit kailangang tanungin ng ibang tao kung may trabaho ka o wala? Does that impact the way they live? Bakit hindi tayo makuntento sa kung ano ang meron tayo? Bakit natin kinaaasaran ang presence ng tao na wala namang ginagawa sa ating masama?
Pagdating ko sa lugar na binisita ko, hindi na ako nagtaka kung bakit at paano sila nakakasurvive sa lugar nila. Oo nga naman, pwede namang mabuhay ng walang cellphone, I know na advantage naman talaga ang cellphone pero bakit noong unang panahon eh nabuhay naman sila? Normal naman silang nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Pwede namang wala silang Twitter o Facebook account. Sila na siguro iyong mga taong kuntento na sa kung anong meron sila. Naiinggit ako kasi hindi kailangang mag-ambisyon ng mataas para maging masaya sa buhay. Aminin na natin, most of us pero hindi lahat, gustong makamit ang ganito, ang ganiyan hindi lang para sa sarili. Gusto nila na may ipagmayabang sa mga tao, na dapat mataas ang tingin ng tao sa kanila. Sabagay kaniya-kaniyang ugali iyan. Nagtatanong lang naman ako. Bakit kailangang may magandang trabaho ka? Iyong tipong kapag sinabi mong sa call center ka nagwowork eh "Wow! Ang galing mo sigurong mag-English? Ang taas siguro ng sahod mo?" Compare sa kapag sinabi mong farmer ka, parang "Ah ok." BAkit kung walang farmers, may kakainin bang kanin ang mga call center agents? Ang mga CEO? Kung walang farmers, anong hihithitin nila during yosi break? I know that there's no point of comparison pero dapat naman they must have the same importance di ba? 
Madami silang tanim na pwedeng maging stock kahit sa isang buong taon.

Tinatanong ko ang sarili ko, bakit ang saya naman nilang nabubuhay despite that fact na sa tingin ko eh maraming kulang sa kanila? Until I found out na iyong mga kulang na hinahanap ko eh kumbaga mga add-ons na lang sa buhay. Iyong tipong hindi naman talaga siya need kundi want lang.
Naiinggit ako kasi a simple thing can make them happy. 


On my way, nakita ko ang mga bata galing sa school at naglalaro sa may ilog. Compare sa mga taga city, magsisiksikan ang mga pupil sa service samantalang sila hindi nila kailangan ng service kasi kanilang-kanila ang daan at alam ng mga magulang na safe ang mga anak nila. Naisip ko na hindi mo naman pwedeng i-consider na mahihirap ang mga taong nakatira doon kasi there's no such thing as "rural poor". Maliliit nga nag mga bahay pero hindi iyon ang sukatan ng yaman kasi may mga palayan naman sila, may mga inaalagaang mga hayop at iba pang ikabubuhay. Naisip ko rin tuloy ang mga "urban poor" sa Metro Manila. Makikipagsiksikan sila sa lungsod at magtatayo sa hindi nila pag-aaring lupa pero kapag pinaalis ng may-ari eh sila pa ang may ganang magngangangawa at sisihin ang gobyerno. Bakit hindi nila ma-appreciate ang probinsiya? Mas gusto kaya nila ang polusyon sa Maynila? Sabagay hindi ko naman alam kung ano ang tumatakbo sa utak nila kung bakit nila gusto doon. Siguro iyong pagkagusto kong tumira sa secluded place ay ganun din ang pagkagusto nilang makigulo sa lungsod. Natutuwa kasi akong tingnan ang magagandang view na kapag nasa magulong lungsod ka ay sa picture mo lang makikita. 


Parang hindi ko naman kailangan ng achievements at mataas na posisyon sa buhay para maging masaya ako. Bakit ang mga taong nakatira sa lugar na ito ay masaya kahit na simple ang kanilang buhay. Hindi ko kailangan ng NBI clearance o ng Transcript of Records para tumira sa magandang lugar. Masaya ako kasi during my stay here, I was able to find myself. My purpose in life. I'll give myself few more years para sundin ang gusto ng ibang tao na maging ako at pagkatapos nun ay sarili ko naman ang pagbibigyan ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento