Ngayon ang araw ng pagbitay sa tatlong OFWs na nahulihan diumano ng droga sa China.
Marami ng opinyon ang aking narinig tungkol sa kaso ng tatlo. Opinyon mula sa mga pro-life na ang Diyos lang daw ang maaaring bumawi ng buhay, kawawa naman daw ang pamilyang maiiwan. Opinyon mula sa mga pumapayag na matuloy hindi dahil sa gusto lang nilang matuloy kung hindi dahil iyon talaga ang batas sa China na sinusunod nila at para maging babala na din ito sa mga kababayan natin na patuloy sa mga gawaing ganito na maaaring maglagay din sa kanila sa parehong sitwasyon sa hinaharap. At ang panghuli, let's give them a round of applause, ang mga civil society na masyadong magaling para diktahan ang gobyerno sa kanilang dapat na gawin. Nandiyan ang MIGRANTE na pagkalaki-laki ang pangalan ng kanilang grupo sa mga banners at streamers. Tipong mas malaki pa sa kanilang isinisigaw na pagpapalaya sa mga bibitayin. Naririyan din ang BAYAN sa pangunguna ng kanilang Spokesperson na si Renato Reyes na ang gustong mangyari yata ay ang gobyerno ang mag-provide sa kaniyang mga pangangailangan sa buhay. Sana naman huwag gamitin ng mga grupong ito ang pagbitay sa tatlong OFWs para iparating na naman sa gobyerno ang kanilang mga hinaing DAW na tipong out-of-the-topic na sa issue na kinakaharap ngayon. Sasabihin nila na kung may maaayos sanang trabaho na maibibigay ang ating pamahalaan ay hindi sasapitin ng mga kababayan natin ang ganitong sitwasyon. Tanong ko lamang, ano ba ang nagawa ng Party-list na BAYAN o ng grupong MIGRANTE at ng iba pang mahilig umeksena sa kaso ng tatlong ito? Puro na lang sila ngawa. Sabi nga, NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG NGAWA. Bagay nga sa kanila ang kasabihang iyon. Hindi ako naaawa sa mga bibitayin, bagkus ang aking simpatiya ay nasa kanilang mga anak.
Ang CHINA at PILIPINAS ay dalawang bansa na magkaiba. Obvious naman 'di ba? Natural Chinese Law ang kanilang ipatutupad sapagkat sa lupain nila nahuli ang ating mga kababayan na nasasangkot sa droga. Anumang gawin siguro ng pamahalaan na pagmamakaawa kung final na ang hatol, wala na talaga tayong magagawa ku8ng hindi ang ipagdasal na lamang sila.
I am not insensitive (parang redundant), of course nalulungkot din ako sa kanilang sasapitin pero aminado naman ang ilan sa kanila na alam nilang may droga ang kanilang dala at dahil na rin sa laki ng halagang kapalit ng kanilang serbisyo kung kaya nila nagagawa iyon. THE MEAN JUSTIFIES THE END NGA.
Ang tanong ko lamang, bakit kaya kung sa ibang bansa nagkasala at maparusahan ang ating mga kababayan, marami sa atin ang naaawa at humihiling na palayain. Ganun din ba kaya ang situwasyon kapag dito sa sariling bansa natin nangyari?
POSTSCRIPT: Ang hindi agree sa aking opinyon, gumawa din kayo ng blog ninyo at doon ninyo i-publish ang inyong sariling opinyon.
Salamat pala sa mga kaibigan kong nagbabasa ng aking blog. Hindi ninyo alam kung gaano ako kasaya kapag nakikita ko ang bilang nga mga views. Thank you!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento