Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Marso 7, 2011

EH ANO NGAYON KUNG BREAK NA KAYO?

Marami sa atin ang masaya kapag naiinlove, parang ako I am always inlove with the idea of falling inlove. Kung gaano ka kasaya nung na-inlove ka, I bet ganoon din kasakit kapag nagkahiwalay kayo but that's normal. Ang hindi normal eh wala ka man lang naramdamang sakit o sabihin na nating panghihinayang kapag nagkahiwalay kayo ng karelasyon mo. Lagi sana nating tatandaan na walang permanenteng bagay dito sa mundo, pagdating sa relationship naman ang tanging magagawa na lang natin ay just keep the fire burning. Madali lamang sabihin na you love the person unconditionally. Sa pagkakaalam ko ha, tanging ang pagmamahal ng Diyos sa tao at ng mga magulang sa anak ang unconditional love. Pagdating sa relationship between two people imposibleng magmahal ka ng walang kapalit.


I still remember my first heartbreak, it hurts a lot yung tipong feeling mo bida ka ng teleserye na aping-api. I pretend to be okay in front of my friends but when I am alone, tears fall, heart breaks and the emotions escape. Masarap makipagrelayon. Mamahalin mo ng bongga iyong taong mahal mo but the pre-requisite is dapat you must love yourself first. Hindi naman pwedeng ibuhos mo lahat sa iisang tao ang pagmamahal mo. Eh ano naman ngayon kung iniwan ka niya? Sasabihin nila feeling nila di na kumpleto ang buhay nila, na parang kalahati na lang. So what? Mamili, 50-50 o walang buhay? One-half is better than zero.
Sasabihin nila na sa kaniya lang umiikot ang mundo nung tao. Hello!!! Nabuhay ka naman noong wala siya ah, natural mabubuhay ka pa din ngayong wala na din siya. Malay mo, mas naging maganda pa sana ang takbo ng buhay mo kung hindi mo siya nakilala. 
Sa mga heart-broken, imulat ninyo ang mga mata ninyo. Isipin na lang ninyo yung mga nakakaturn-off na bagay tungkol sa mga taong minahal ninyo minsan sa buhay ninyo. Pero huwag na huwag ninyo silang deadmahin in case makita ninyo sila. Ipakita lang na normal at di ka affected sa pagkawala niya. Baka kasi isipin nilang Bitter Ocampo ka at di maka move-on. 
Madaming mga tao sa mundo, sabi nga ni David Pomeranz "Too many billion people, running around the planet..." Dito na lang sa Pilipinas mamili ka sa mahigit 90 million na tao at pustahan tayo hindi lang iisa ang magugustuhan mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento