May mga na-post na ako dati sa Facebook page ko tungkol sa mga maldita moments ko, actually pareho rin yung mga nandito pero atleast magkakasama na sila at meron ding nadagdag ng konti. Inaamin ko maldita talaga ako, itanong niyo pa sa Nanay ko. Minsan feeling ko ako ang tama pero most of the time tama nga ako. Para sa akin kasi wala kang karapatang sitahin ako hangga’t hindi mo pa ako natatanong. Being born under the zodiac sign of Cancer, natural na daw sa amin ang matatapang at may sumpong, again may daw yung sentence pero ako na rin ang nagcoconfirm na sa aking sarili ay totoo iyon. O siya simulan na at wala ng madaming satsat.
MC DONALD’S Araneta Center, mga 8am kagagaling ng graveyard shift kaya puyat at medyo sensitive.
Umorder ako ng something worth 69 pesos yun. Natural may butal yungsukli sa 100 pesos. Banat nung crew na may pagka-epal. “Okay lang ba kahit kulang yung sukli ko sa’yo ng piso?” Aba bigla akong nairita sa tone of her voice kaya I replied, “Kung oorder ba ulit ako ditto nakulang ng piso ang pera ko eh ibibigay mo ba yung order ko?” Kung medyo courteous lang siya malamang ok lang sa akin na kulang ng piso noh. Sorry siya mas epal ako sa kaniya.
FIVE STAR BUS papuntang Pasay. Nakasakay kami ng friend kong si Shiela sa harap sa mismong likod ng driver (Actually ‘di alam ng Mama niya na pumupunta kami sa Pasay noon). Ang bagal ng takbo nung bus, yung tipong parang mas mabilis pa kung nag-tricycle na lang kami pero medyo OA naman kung ganun. Heto ang usapan namin. Ako: “Jo 58 years met datoy nga bus!” (Sabi ko sobrang bagal nung bus). Eh may I second the motion naman siya. Puro na lang ako reklamo kaya narindi siguro yung driver aba sumagot. Driver: “Kung gusto ninyong makarating agad dapat kaninang madaling-araw kayo bumiyahe.” Natural di ako nagpatalo, sumagot din ako, “Hay naku kahit medaling araw kami bumiyahe kung kayo rin naman sasakyan naming bus eh di ganito din kabagal!” Hayun natahimik siya at kinarir na lang pagda-drive.
SM MOA. Papasok ako kaya siyempre nireready ko na yung bag ko para ma-check. May sinusundan akong babae that time na may bag din pero pinalagpas nung guwardiya at hindi niya chineck. Siyempre banat ako, “Anong meron sa bag ko na wala sa bag nung babae at kailangang i-check mo yung sa akin samantalang siya hindi?”
SM ROSALES naman. As usual kasama ko ulit si Shiela. Sinamahan ko siyang bumili ng cellphone niya kaya mega hop kami sa mga cellphone shops. Pagpasok naming sa isang shop, tabi ata nung papuntang CR yun, bigla kaming sinalubong nung saleslady at feeling close nasabing, “Ano pong unit ang gusto ninyong bilhin?” Hello natural naghahanap pa lang kami kaya ang sagot ko, “Pwedeng pumili muna kami sandali miss?” What I mean sa sinabi kong iyon ay get out of our way! Karamihan siguro naman sa atin eh naiinis kapag sinusundan-sundan tayo ng mga saleslady na tipong feeling niya any monument eh magsha-shoplift tayo.
SM FAIRVIEW kasama ko naman si Haia. Namimili siya ng gift para sa mga friend niya. Siyempre feeling consultant ako at kailangan naman niya ng second opinion not from a doctor kaya present ako. Pili kami ng pili at yung iba mino-model ko pa. Tapos out of the blue umeksena ang babaeng naka-blue (saleslady yun, para lang rhyme) tinanong kami, “Para kanino iyang mga shawl?” aba intrimitida kaya sinagot ko siya, “Wala ka na ‘dun, secret na lang yun di mo rin naman kilala eh!” Ako nga din di ko rin naman kasi kilala yung mga pagbibigyan no!
EPERFORMAX MAKATI (Call Center ‘to) Nasa loob ako ng cubicle sa CR, biglang may nag-dialogue sa labas, “Mga di marunong magligpit at ang kakalat ng mga agents dito!” Medyo irita pa si Kuya at akala siguro siya lang ang nasa CR that time. Nagkataong badtrip ako sa mga calls ko nung araw na iyon kaya paglabas ko ng cubicle ay inawardan ko siya ng, “Kuya kung ililigpit naming lahat ng kalat, eh ano pang trabaho mo dito?” Sabay exit ng CR at baka hampasin ako ng mop.
KUMAKAIN kami ng kaibigan kong si Haia eh busog na ako kaya hindi ko maubos yung kinakain ko. Sinabihan ba naman akong, “Uy Jez ubusin mo naman iyang kinakain mo kasi ang daming bata kayang nagugutom.” As always, namilosopo na naman ako kaya sinagot ko siya, “Bakit kapag inubos ko ba lahat iyan eh mabubusog sila?”
KAUSAP ko ang isang homophobic minsan. “Jez alam mo ba na ang mga lalaki kapag nakipagrelasyon sa mga bakla ay bakla na din?” Sabi ko naman, ”Talaga? Hindi ako naniniwala sa’yo.” Aba ayaw magpatalo ipinipilit ang gusto. “Totoo, e bakit sila papatol sa bakla kung hindi din sila bakla?” Tinanong ko na lang siya ng, “Bakit ang babae ba kapag nakipagrelasyon sa mga lalaki eh lalaki na rin sila?” Talk to a lawyer at lusot iyan sa korte.
CYBERONE BLDG. sa Eastwood. From 23rd floor ay nage-elevator kami pababa (kumusta naman kung hagdan gagamitin namin) tapos sa 21st floor ibang company naman nago-occupy. Minsan punuan sa may elevator, lunch time ata noon eh nagkataong ako ang hulingpumasok kaya nung bumukas sa 21st floor yung elevator may nag-inarteng babae na nagsabing, “Ay puno na, sumakay na yata silang lahat!” aba siyempre mas maldita ako kaya ang sagotko, “Alangan naming lumabas kaming lahat dito at ikaw lang ang sumakay?”
NAG-UUSAP KAMI minsan ng isang kaibigan ko tungkol sa Ilocos at Taiwan.
KAIBIGAN: Alam mo ba Jez na kapag nasa Ilocos ka daw eh makikita mo na yung Taiwan kapag lowtide.
AKO: A talaga? Paano nangyari iyon? Saan mo makikita ngayon yung Batanes Islands kapag Taiwan agad makikita mo?
NASA BUNDOK KAMI noon nag-iinuman eh naubusan kami ng tubig na pang-timpla ng juice kaya nagpasama ako sa isang friend ko na gay para mag-igib sa may bukal.
FRIEND NA GAY: Bakit Jeza naiinom ba yang tubig diyan sa bukal?
AKO: Hindi, nginunguya lang iyang tubig try mo!