Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Oktubre 18, 2013

Jing Vallejos of TVPatrol Dagupan's Post sa 7.2 Magnitude Earthquake

From time to time ay napapanood ko siya sa ABS-CBN Dagupan, she’s simple and may puso naman kapag nagrereport. I don’t know this girl personally but her post shocked a lot of Filipinos because of her insensitivity. Again, this is not a religious issue but siya na rin ang naglagay sa kaniyang religion in a bad light.

                Marami akong friends na kaanib ng Iglesia Ni Cristo and they are all nice. I admire them because like Muslims, hindi lang iisang araw sila nagsasamba. But this girl who, according to some of her colleagues ay anak daw ng isang ministro should have think first before she clicked (sabi nga sa GMA News TV).

                I have tried to search her FB page pero na-deactivate na niya. Lesson learned. Isa pa pala siyang Kapamilya, so being a media person dapat naman na-apply niya yung natutunan niya sa MASSCOM 101 o yung Ethics on Broadcasting.

                When I first watched the coverage of the earthquake in the Vizayas ay naiyak talaga ako, not because sa mga structures na bumagsak o nasira but most specially sa kabuhayan ng mga kababayan natin doon na labis na naapektuhan. I am a Protestant but sobra akong nalulungkot sa mga Catholic Church na nasira kasi saan pa magsisimba ang mga kapatid nating Katoliko? I mean minsan naiinis ako sa pakikialam ng CBCP sa mga issue sa bayan but they don’t represent the entire Catholic community. Sana naman tayo na nakakabasa nung post na ito ni Jing Vallejos, huwag nating idamay ang sinuman. It’s not an issue of a religious affiliation pero ang pag-iisip at pagkatao niya ang may gawa nito. Kaya nga dapat ULIT, bago tayo mag-post, THINK!

Linggo, Agosto 18, 2013

Sana September na Lang Ang Pasukan

Today is August 19, 2013 at sana may aatendan kaming seminar on Campus Journalism ang kaso dahil sa ulan na dala ni Tropical Storm Maring eh nangyari ang pinakaaasam ng bawat estudyante - ang pag-aanounce na walang pasok. Kung susumahin eh mayroon dapat tatlong holidays ang buwan ng August at hindi ko na kailangang isa-isahin ngunit dahil sa mga bagyong dumalaw sa ating bansa, more or less siguro two weeks ang walang pasok sa buwan na ito. Mabuti sana kung kasamang tinangay ng mga bagyo ang mga magnanakaw at nagnanakaw ng pork barrel. (Ibang topic naman yun...) Maraming nang nag-propose na kongresista na ilipat ang pasukan sa September kasi nga masyadong maulan sa mga buwan ng June at July at pati na rin August pero ewan ko ba kung bakit inuuna ang ibang mga Bill sa Congress (magresearch kayo kung ano yung mga yun) kesa ang kapakanan ng mga estudyante.
Isipin ninyo yung kaligtasan ng mga estudyante tuwing bumabaha at may pasok sila. Paano iyong mga tumatawid pa ng ilog sa kanilang pagpasok sa paaralan? Mas mabuti ng pumasok sila sa school ng summer atleast kahit mainit, pwedeng remedyuhan kesa naman nababasa sila kapag tag-ulan di ba? Maliban pa diyan ang mga sakit tulad ng nakamamatay na dengue at leptospirosis na dala naman ng ihi ng daga. Pagmasdan ninyo ang larawan sa ibaba, paano kung nagkataong may sugat ang mga estudyante at lumusong sila sa baha na puro mikrobyo? Hindi mga opisyales ang magkakasakit di vah?!


Ang hirap pa sa tuwing may malakas na ulan eh nalilito ang bawat isa parang ngayon, sabi ni Sec. Ochoa ALL-LEVELS daw walang pasok kasali na ang Pangasinan tapos sabi naman ni Administrator Baraan, pre-school to high school, sa tertiary depende sa LGU o university daw ang mag-aanounce. DepEd does not suspend classes naman ang linya nila. Kung LGU lang sana eh di LGU lang kasi sila naman ang nakasasakop sa school at alam nila ang sitwasyon.
Ang rason naman ng iba kung bakit tutol sila na ilipat ang klase ay sa kadahilanang nasanay na daw tayo sa ganung pasukan. Ganun na lang ba yun? Ang magbabago lang naman eh yung petsa at iyong panahon. Kailangan pa daw pag-aralan. Hindi pa ba sinisimulan? Noon pa yan sinasabing pag-aralan, e di sana graduate na iyong mag-aaral sana ng proposal na iyan kung sinimulan pa noon?!
A basta sana mailipat ang pasukan sa September period. Ipopost ko na ito di ko na ieedit hehehe....

Lunes, Abril 29, 2013

The Calling


When I was in high school, an aunt promised to help me to go to the United States basta I will take-up Nursing daw. Siyempre being inclined to the world of humanities, nakatatak na sa utak ko na Mass Communication ang kukunin kong course kapag nag-college ako. I told her na takot ako sa dugo kaya I don’t like nursing.

Madami akong naririnig na pagpapari daw and calling nila, pagiging sundalo ang calling, etc. So feeling ko naman noon eh showbiz ang calling ko hahaha! Sige lang Maskom at sa tulong ng magulang ko at mga auntie ko at uncle, hayun natapos din from Centro Escolar University to Philippine Christian University hanggang natapos ako sa Computronix College na naging Colegio de Dagupan noong 2005. So after I graduated from college ay tumambay muna ako ng mga isang taon dito sa hometown siyempre rampa muna ganun. Wala pa ding swerte sa paghahanap ng work sa mga broadcasting company like ABS-CBN, CNN, etc. So parang hopeless na ako noon kaya I tried the BPO industry 0 call center which is booming at that time. For the record at ngayon ko lang aaminin, I’ve worked in 8 BPO companies pero dalawa lang ang dinedeclare ko hahaha! Siyempre I became a call center hopper so in short, hindi din iyon ang calling ko kasi hello pinakamatagal ako sa e-Telecare for a year-and-a-half tapos iyong iba naman mga 3 months from Eastwood to MOA to Ayala to Baguio… Haaaaay nakakatawa kasi hindi talaga ako makatagal sa iisang lugar at ang hirap namang masumpungan iyong Calling ko…

So through the persuasion of my friend Mam Jenny Agbuya – Fabia, I took-up an 18-unit course in Education at Colegio de Dagupan in 2009 pero wala lang hindi ko isinapuso hehehe… Deadma lang tapos in December 2011 during my employment at NCO sa ABS-CBN Compound, kinuha ko lang iyong December salary ko at 13 month pay tapos deadma na, nagbalot na ako papunta sa San Nicolas, Pangasinan. Excited much November pa pala eh nagrereview na ako kahit hindi pa ako nakakapagpa-register sa PRC to take the Licensure Exams for Teacher which was held on March 11, 2012. Hayun review-rampa lang hanggang dumating ang April at lumabas na ang resulta and it was my BFF Haia who broke the news. “Mare wala iyong name mo… (pause) sa elementary pero sa Secondary nandun!” tapos iyon nagbago na ang aking life mula noon. Feeling ko nga ang calling ko ay ang pagtuturo kasi mula noong pumasa ako hanggang makapasok ako as LSB Teacher sa Cacabugaoan National High School through Mudra Lolit Luzano and Sir Ariel Ebreo hanggang kinuha ako ni Mudra Lilibeth Francia – Lucas as a Substitute Teacher for 2 months sa San Felipe Integrated School at balik ako sa San Nicolas National High School as a Substitute Teacher hanggang ma-permanent na ako dito sa aking Alma Mater last January 30, 2013. Ito nga talaga ang sinasabing calling kasi eversince eh hindi sumagi sa isip ko na magturo hahaha!!! So kung anuman ang destiny mo, it’s really a matter of chance at choice na rin basta nasa sa’yo na iyan kung ano pipiliin mo kasi as of now I am enjoying the perks of being a teacher… And also to give back to my school… So help me God!

Lunes, Abril 22, 2013

MY BUCKET LIST

Maraming mga bagay ang gusto kong gawin. Maraming mga lugar ang gusto kong marating. Haaay ewan ko ba, pero from time to time ay nagbabago ako ng gusto sa buhay... I have seen this movie a few years ago when I was having my training at NCO, The Bucket List. I am not saying that I am gonna die soon pero gusto ko lang i-share ang mga bagay na gusto kong gawin at mga lugar na gusto kong mapuntahan. So wala ng madaming kemedo simulan na!


1. I wanna visit the Island Province of Batanes. Ansabeh 0% ang crime rate kaloka! Sa sobrang integrity ng mga tao doon, kapag bibili ka daw sa store eh self-service hanggang sa pagsusukli. Nakita ko din sa mga picture na parang sa New Zealand ang scenery. Wow! Actually di pa sure pero nakipag-deal ako kay Sir Rocky Macaso na by next year (2014) ay pupuntahan namin ang Batanes. 

2. Sagada, Mountain Province. Ewan ko ba kung bakit wala silang ibang maisip na pangalan ng probinsiya kundi puro bundok pero huwag ka, bongga ang scenery doon! Sagada ang isang lugar na gusto kong puntahan kasi parang napaka romantic hehehe... Siyempre kapag pupunta ako doon dapat kasama ko ang special someone ko. So meaning, imposible akong makapunta doon? Hahaha!!!

3. Mount Pulag. The second highest peak in the country. I think ang training ko kakapunta sa Fianza is enough na para maakyat ko ang bundok na ito. Ay ansaya siyempre magdadala ako ng tent because I want to spend the night at the top of the mountain. Again, together with my special someone. So parang imposible ulit hahaha!!!

4. Amanpulo, Palawan. For once, I want to experience luxury. Wow one day millionaire! Atleast I will be able to visit a place where my idol Mariah Carey stayed during her concert here in the Philippines! Taken by a private plane, O bongga nga tapos in $ pa siya...

Madami pa akong gustong puntahan at gawin pero ang mga ito lang muna ang kayang i-produce ng utak ko hahaha!!!

Lunes, Setyembre 19, 2011

TOGETHER AGAIN MY BABY

The passing of my niece  NiƱa Daniela is not easy to accept but knowing that she is now with God, it somehow eases the pain... Every time I hear the song Together Again by Janet Jackson I couldn't help but cry because of it's message... Kahit na ilang ulit pa ito patugtugin and despite the melody which is upbeat at hindi pang-emote, nakakaiyak pa din kapag inintindi mo talaga iyong message nung kanta... So I just want to share it to you guys and I hope that this song will become an inspiration din para sa mga mahal ninyo sa buhay na bumalik na sa arms ni GOD...


There are times when I look above and beyond
There are times when I feel your love around me baby
I'll never forget ma baby
When I feel that I don't belong
Draw my strength
From the words when you said
Hey it's about you baby
Look deeper inside you baby

Dream about us together again
When I want us together again baby
I know we'll be together again 'cause

Everywhere I go
Every smile I see
I know you are there
Smilin' back at me
Dancin' in moonlight
I know you are free
Cuz' I can see your star
Shinin' down on me

Always been a true angel to me
Now above
I can't wait for you to wrap your wings around me baby
Wrap them around me baby
Sometimes hear you whisperin'
No more pain
No worries will you ever see now baby
I'm so happy for ma baby

There are times when I look above and beyond
There are times when I feel you smile upon me baby
I'll never forget ma baby
What'll I give just to hold you close
As on earth
In heaven we will be together baby
Together again ma baby

Everywhere I go
Every smile I see
I know you are there
Smilin' back at me
Dancin' in moonlight
I know you are free
Cuz' I can see your star
Shinin' down on me

Huwebes, Setyembre 15, 2011

My Angel

AUGUST 22, 2011 was the day that changed my life forever... The day when the most precious girl in my life, my niece Nin-nin went back to her Creator... It's hard, it's painful. I was in denial then... It was exactly 6:20 am when she said goodnight to all of us... I couldn't explain the pain, I even questioned God why do we need to pray when he does not answer it? All of us were in grief and the most painful part for me was after three hours that she's laying lifeless in the bed I didn't have the strength to see her, I didn't want to see her dead but because I love her so much I entered the ICU, I kissed her and said: "Goodnight Nining ko, I love you!" I was planning to stay there just to be with her for the last time but I could not bear the pain. I ran out and cry my heart out. 


Fast forward, a lot of people visited her during her wake. I was wondering where are these people coming from and how they've met my niece. Everybody has their own anecdote on how bibo she was when she was still alive. Aside from her immediate family, one of the most affected people was Nanay Pacing. Both her siblings died, she didn't cry. Only Nina made her cry. When she cooks, she was there. When she's gardening, Nina was there. When she's doing something, Nina was there so how can she not cry when Nina was almost her shadow? Few months ago, I made Nina an account on Facebook. When she died and I visited her account, I cry every time I read those messages on her Wall most especially the post of Mommy Rebing and Daddy Rupy who loved Nina so much. Before they left in April, they made bilin that we should take care of Nina because they loved her so much and that she always make them happy with her actions. That only shows how much she was loved by the people around her. At least during her five years of stay with us, she was able to experienced to be loved. I want to thank Nina for everything, for giving us the joy and inspiration.


As I was reminiscing, I remember that I even questioned God about Nina's death. When I prayed, I asked Him to heal her. To ease her from pain. I was wrong when I said that he doesn't care about my prayer. He did not only heal our baby but he also gave her an everlasting life. No more pain. No more sadness. No more hunger. The signs that Nina showed to us somehow eases the pain because those are manifestations that she is happy now with God. That she is an ANGEL. So my baby I can't wait for your wings to wrap around me baby. We missed you so much! We love you and you will always be in our hearts.

Huwebes, Abril 14, 2011

ANONG NANGYARI?

April 14, 4:30 PM. Nasa ilalim kami ng puno nakaupo ng mga Auntie at Uncle ko ng hinatid ng pinsan kong si Itang ang isa kong batang pinsan na si Yanang (Alyana). Nagulat kaming lahat sa nakita naming hitsura ng bata, maiiyak ka sa awa at halos di ka makapaniwala kasi wala pang isang oras mula nung huli naming makita na ang sigla niya at nakikipaglaro pa sa iba niyang mga pinsan pero nung idating siya sa amin ay nakangiwi na ang bibig niya sa left side, tumutulo ang laway at nakatingin lang sa iisang direksiyon ang kaniyang mga mata. Shocked kaming lahat at hindi namin siya makausap. Hindi namin alam ang aming gagawin kung itatakbo ba namin agad sa ospital pero may nagsabi na malamang nabati daw ito ng multo. Hindi na kami nagdalawang-isip ng Nanay ko, binuhat ko siya sa tricycle at pinunta sa isang faith healer sa Sobol. Kahit inaatake na ako ng nerbiyos kapag mahal mo sa buhay ang nakataya hindi ko na iniisip ang sarili ko. Habang nasa daan kami, wala pa ring pagbabago ang kaniyang hitsura, napansin naming lalo pa itong lumala kasi ang kaniyang mga kamay na nakakuyom ay naninigas na pati ang kaniyang mga paa. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob pero nilakasan ko ang loob ko at kinakausap namin ang bata. Nung nakarating kami sa bahay ng albularyo, hindi ko alam kung bakit halos hindi ko na mabuhat at maibaba ng tricycle ang pinsan ko samantalang lagi ko naman siyang binubuhat kapag kunukulit ko silang magpipinsan. Nagpapatulong na ako sa Nanay ko kasi para na akong bumubuhat ng isang matanda sa bigat ng pinsan kong 5-years old. Sa sobrang nerbiyos ko ay hindi ko alam kung paano ko siya nabuhat at naitakbo ko pa sa bahay ng albularyo. Pagkagulat ang reaksiyon ng lahat ng dinatnan namin doon at ng dasalan siya ay bigla siyang nagsuka ng nagsuka. Napakarami ng kaniyang sinuka. Inilabas namin sa bahay at kinandong ng Nanay ko habang tinitignan siya nung albularyo ng napansin naming nangingitim na ang mga bibig ng bata na parang wala ng buhay kaya't nagdesisyon kaming itakbo siya agad sa ospital. Mga ilang minuto lang mula ng umalis kami sa bahay nung albularyo ay nagmulat ng kaniyang mga mata ang bata at parang okay na siya kaya di pa kami nakararating sa ospital ay nagdesisyon na kaming iuwi namin siya. Ang hirap nung sitwasyon na hindi mo alam kung ano ang gagawin mo at kung paano ka magdedesisyon sapagkat wala ang kaniyang mga magulang. Kitang-kita namin na guminhawa na ang kaniyang pakiramdam habang pauwi kami ng bahay. At nang makarating na kami sa amin natural marami ang nakikibalita pero wala pang halos isang minuto ay nangitim na naman ang kaniyang mga bibig kung kaya't itinakbo agad namin siya sa ospital. Natatakot lang kami kasi ang sabi ng mga nanggagamot ng mga binati ng multo o ng kung anong elemento, once na tinurukan mo ang pasyente ng gamot o kahit na ano mula sa ospital ay hindi mo na siya maibabalik sa dati o worse ay makukuha na siya ng kung anumang elemento. Habang nasa ospital kami unti-unti ng guminhawa ang pakiramdam nung bata at umiyak siya.


ANO ANG NANGYARI?
Nang mahimasmasan na ang bata ay tinanong ko siya kung meron bang masakit sa katawan niya. Sabi niya wala daw. Tinanong ko kung ano ang nakita niya. Ayon sa mga kalaro niya, naglalaro daw sila ng taguan kasama ang iba pang mga bata nang makita na lang nila na nakatayo siya at ganun na nga ang hitsura niya. Ang sabi sa akin ni Yanang ay may nakita daw siyang matandang lalaki na nakabitin. Doon na nabuo sa isip ko kung ano talaga ang nangyari sa bata. Habang tuliro kami sa kung anong gagawin sa bata kanina ay nag-text na pala ang Mama niya sa isa niyang kaibigan at pinatawas na ito. Ayon sa nagtawas, nabati talaga ito ng multo kung kaya ganun ang nangyari sa pinsan ko.


SINO IYONG MATANDANG NAKABITIN?
Ayon sa kuwento ng mga lola ko, yung neighborhood namin dati ay hindi pa ganun ka-populated. Around 50's daw nung may isang matandang binata na nagbigti doon sa isang bayabas malapit sa likod namin na nagngangalang Quintin (SLN). Ayon pa sa kanila, nagbigti nga kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin na-bless ang kaniyang kaluluwa. Inisip namin ang nangyari sa bata, nakangiwi ang kaniyang bibig, tumutulo ang kaniyang laway at halos nakatirik ang kaniyang mga mata. Naninigas ang kaniyang mga kamay na nakakuyom, nakaihi pa sa kaniyang shorts at halos hindi ko mabuhat sa sobrang bigat nung ibaba ko siya sa tricycle. Ayon sa nagtawas sa kaniya, ang nangyari sa bata ay halos ganun ang hitsura nung matandang lalaki na nakita niya noong nagbigti ito. Pumasok daw sa katawan nung bata ang matanda kung kaya halos hindi ko ito mabuhat sa sobrang bigat. Mabuti na lang at may mga taong tumulong sa amin at napawi lahat ng bigat sa dibdib namin nung iuwi namin siya at hindi na i-confine at patakbo niyang sinalubong ng yakap ang lola namin nung nakarating kami sa aming bahay tatlong oras buhat nung magsimula ang lahat. Mamayang 12 ng tanghali ay mag-aalay kami at ipagdarasal ang kaluluwa nung matanda para na rin sa kaniyang ikatatahimik. Walang mawawala kung gagawin ang lahat ng ito sapagkat hindi mo talaga maipaliwanag ang mga bagay na imposibleng mangyari hangga't hindi mo ito naranasan. Paulit-ulit mang bumabalik yung nararamdaman ko na parang trauma pero naalis ito kapag nakikita ko ang aking mga pinsan at pamangkin na masaya nang naglalaro.