Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Abril 29, 2013

The Calling


When I was in high school, an aunt promised to help me to go to the United States basta I will take-up Nursing daw. Siyempre being inclined to the world of humanities, nakatatak na sa utak ko na Mass Communication ang kukunin kong course kapag nag-college ako. I told her na takot ako sa dugo kaya I don’t like nursing.

Madami akong naririnig na pagpapari daw and calling nila, pagiging sundalo ang calling, etc. So feeling ko naman noon eh showbiz ang calling ko hahaha! Sige lang Maskom at sa tulong ng magulang ko at mga auntie ko at uncle, hayun natapos din from Centro Escolar University to Philippine Christian University hanggang natapos ako sa Computronix College na naging Colegio de Dagupan noong 2005. So after I graduated from college ay tumambay muna ako ng mga isang taon dito sa hometown siyempre rampa muna ganun. Wala pa ding swerte sa paghahanap ng work sa mga broadcasting company like ABS-CBN, CNN, etc. So parang hopeless na ako noon kaya I tried the BPO industry 0 call center which is booming at that time. For the record at ngayon ko lang aaminin, I’ve worked in 8 BPO companies pero dalawa lang ang dinedeclare ko hahaha! Siyempre I became a call center hopper so in short, hindi din iyon ang calling ko kasi hello pinakamatagal ako sa e-Telecare for a year-and-a-half tapos iyong iba naman mga 3 months from Eastwood to MOA to Ayala to Baguio… Haaaaay nakakatawa kasi hindi talaga ako makatagal sa iisang lugar at ang hirap namang masumpungan iyong Calling ko…

So through the persuasion of my friend Mam Jenny Agbuya – Fabia, I took-up an 18-unit course in Education at Colegio de Dagupan in 2009 pero wala lang hindi ko isinapuso hehehe… Deadma lang tapos in December 2011 during my employment at NCO sa ABS-CBN Compound, kinuha ko lang iyong December salary ko at 13 month pay tapos deadma na, nagbalot na ako papunta sa San Nicolas, Pangasinan. Excited much November pa pala eh nagrereview na ako kahit hindi pa ako nakakapagpa-register sa PRC to take the Licensure Exams for Teacher which was held on March 11, 2012. Hayun review-rampa lang hanggang dumating ang April at lumabas na ang resulta and it was my BFF Haia who broke the news. “Mare wala iyong name mo… (pause) sa elementary pero sa Secondary nandun!” tapos iyon nagbago na ang aking life mula noon. Feeling ko nga ang calling ko ay ang pagtuturo kasi mula noong pumasa ako hanggang makapasok ako as LSB Teacher sa Cacabugaoan National High School through Mudra Lolit Luzano and Sir Ariel Ebreo hanggang kinuha ako ni Mudra Lilibeth Francia – Lucas as a Substitute Teacher for 2 months sa San Felipe Integrated School at balik ako sa San Nicolas National High School as a Substitute Teacher hanggang ma-permanent na ako dito sa aking Alma Mater last January 30, 2013. Ito nga talaga ang sinasabing calling kasi eversince eh hindi sumagi sa isip ko na magturo hahaha!!! So kung anuman ang destiny mo, it’s really a matter of chance at choice na rin basta nasa sa’yo na iyan kung ano pipiliin mo kasi as of now I am enjoying the perks of being a teacher… And also to give back to my school… So help me God!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento