Mga Kabuuang Pageview

Sabado, Pebrero 26, 2011

MY KATAKOT EXPERIENCE

year 2000, i was 15 nung tumira ako sa 2nd floor ng lumang bahay nina jaja sa miguelin… kami lang dalawa sa taas ni joey at obvious talaga na luma… sa floor, bintana at yung structure mismo… yung pinakapinto nun pwedeng i-lock sa labas at sa loob, either way e pwede mo din buksan… so isang gabi nagpaalam si joey at kahit nabingihan ko umoo lang ako… so mag-isa ko dun nagraradyo hanggang sa makatulog na ako… madaling araw na nun, naalimpungatan ako kasi maingay na yung radyo kaya bumangon ako para patayin at pagtingin ko ng oras alas-tres na ng madaling araw kaya higa ulit ako para matulog… di ko pa nakukuha tulog ko pero nakapikit na ako nang may umakyat, tapos palakad-lakad lang siya sa kwarto pero mabagal lang… knowing na si joey deadma lang ako…. natanong ko na lang kung saan ba nanggaling ito o baka nakipanood sa baba pero masyado naman na atang madaling araw natapos… mamya huminto yung naglalakad tapos bumaba sa hagdan… deadma lang ako tapos tulog ulit… mga 8am na nung magising ako, nakahiga pa ako nang dumating si joey… tinanong ko siya kung saan siya nagpunta ng 3 alas-tres ng madaling araw… ang sagot niya, “di ba nagpaalam ako sa’yo kagabi ng alas-otso? dun kaya ako natulog sa kaibigan ko sa mayon st…?”  so naisip ko, nagmulto yung lolo ng friend ko na dun nakatira…
same location… hapon pa lang pumunta na kami ni joey sa san andres kasi magha hard rock kami kinagabihan kasama sina pj at jaja… so madaling araw na kami nakauwi kaya ang ending dun na kami natulog sa san andres… umaga na kami umuwi mga 9, tinanong kami nung kapitbahay namin na si maricel kung sino ang tao sa taas nung nagdaang gabi… sabi ko wala kasi sa san andres nga kami natulog… kasi daw nung nagdaang gabi ay nag- brown-out, akala nila andun kami kasi may nakasinding kandila…
fast forward… may boarding house kami dati sa amado st. dagupan… di ko na sasabihin kung kanino… summer 2004 ako lang tao dun for two weeks kasi may ojt ako sa sun star pangasinan daily… bale two-storey yung house… pag umaga umaalis ako tapos balik ko mga 5pm… tatambay kina ate miles tapos uwi ng mga 9… sulat-sulat, basa tapos matutulog kasi nga ako lang naman dun… heto na, isang gabi wala ako magawa, pinatay ko ilaw sa loob, ang tinira ko lang yung sa terrace at umalis ako para tumambay kina ate miles… maya-maya dumating sina tita bennie sa tambayan ko hinahanap si shiela, sabi ko wala sa daguapn… galing na pala sila dun sa boarding house… tinanong niya ako kung ako lang daw kasi pagdating nila dun ay bukas lahat ng ilaw pati pintuan ng bahay pero wala namang nawala o pumasok… deadma lang ako kasi madami na ako experience sa multo sa bahay na yun… one time pa umaambon yun mga 7pm kumakain kami ng mga boardmates ko… yung table nakaharap sa may terrace at sa gate… siyempre naiilawan sa labas kahit papano, nung bigla akong napalingon sa may gate, may nakita akong nakabarong na naka-side… naikuwento ko yun, nakita napala dati iyon nung ex ng kaibigan ni lyza dun din sa boarrding house… nasa sala sila noon nung mapansin nung guy na tumagos sa may pinto yung lalaki na naka- barong… marami pang kuwento dun, pag nasa cr ka, may mga nagbubulungan pero hindi mo maintindihan… may mga rebulto ng santo na nababasag ng walang dahilan… nagkukuwentuhan kami sa kuwarto sa taas, si sheng, ako at si camille… sabay naming napansin ni camille na may dumaan sa bintana na nakaputi… pero pag sanay ka na kasi parang wala na…
natatakot ako kapag bigla-bigla may makikita ako… pero kapag nararamdaman ko muna na meron tapos makikita ko, di na ganun kagulat…
eto pa pahabol… ang internet shop pa lang noon ay sa rizal, dun kina rayos… isang gabing umaambon, 10pm na ako natapos noon, naka bike lang ako pauwi… wala sa isip ko na may multo pero nung padaan na ako sa tapat ng lumang munisipyo (tabi ng gymnasium) may tatlong sundalong hapon (kasi yung sumbrero nila na parang sa movies) na patawid mula sa auditorium papunta sa lumang munisipyo… may dala silang parang baril na mahaba na may matulis sa dulo… parang naka-line silang tatlo at nagmamartsa… hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay namin…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento