Mga Kabuuang Pageview

Sabado, Pebrero 26, 2011

MY KATAKOT EXPERIENCE 2

well as you can see feel na feel kong magkwento ng aking mga nakakatakot na experience sa mga multo at mga elemento…
next na kuwento ko ay dun pa rin sa amado street kina ate miles na tinatambayan ko, isa siyang store na may inuman sa taas, minsan videoke ako dun pero yung kuwento ko ay tungkol sa anak niya… isang gabi malakas ang ulan siyempre ansaya ng amado pag ganun, ansarap magluglog sa baha kasi nga malinis at may mga isda pa na lumalangoy… nagkukuwentuhan kami habang nakaharap ako sa kalsada (halos tapat ng store nila ay chapel ng lnu pero may pader at mayabong na indian tree)… lagi ko na lang napapansin na may batang babae na halos siguro 8 years old, nakaputi na tumatakbo-takbo sa kalsada… lagi na lang siya sa may indian tree tapos mawawala… di ko lang kasi siya minsan nakita dun kasi palagi… sumasabay pa nga siya minsan sa mga estudyante na dumaraan dun pag gabi… nawawala naman pagdating sa indian tree… kuwentuhan kami ng kuwentuhan ni ate miles habang nandun yung bunso niyang anak nakatulog sa may upuan, nung hindi ko na mapigil ay sinabi ko sa kanya na may multo na batang babae na nagpapakita sa may tapat nila… siyempre as usual favorite topic namin yung multo-multo di na siya na-shock… habang nagkukuwentuhan kami, may isang lalaki na estudyante na bumibili tapos bigla siyang pumasok, walang ano-ano sinabihan niya si ate miles na bantayan niya yung bunso niya na natutulog kasi daw may isang batang babae na gustong makipaglaro sa kanya at nasa labas… siyempre gulat kami kasi wala namang ideya yung lalake na nagkukuwento ako tungkol sa multo ng batang babae… sinabihan niya ako na kung maaari huwag na lang daw namin siyang pag-usapan kasi lalo lang siyang lumalapit kung kaya sa takot ng kaibigan ko hindi niya hiniwalayan ng buong magdamag ang kaniyang anak…
kuwento pa ito ng isang hospital sa amado street sa dagupan… yung friend ko ay dating clinical instructor sa lnu at dito sila nagduduty ng mga students niya… actually sila yung first batch na magduduty sa hospital na ito kasi bagi pa lang… maraming nagkukuwento na kapag wala raw bantay ang isang pasyente dito ay may pumapasok na babaeng nurse kapag gabi sa kuwarto pero wala namang reaksiyon… nakatyo lang siya tapos lalabas na… iisa lang ang description ng mga taong nakaengkwentro sa nurse na ito… malabo ang mukha at naka nurse’s cap ng itim… siyempre kuwento ko to sa friend ko na dating C.I. para sakali may dagdag siya… nalaman ko mula sa kaniya na ang nagmumulto palang yun ay isa sa mga estudyante niya na nagpakamatay kasi siya lang ang hindi nakapasa sa batch nila… masyado niyang dinibdib pero kahit sa kabilang buhay ginagampanan pa rin niya ang pagiging nurse na hindi man lang niya naranasan nung siya ay nabubuhay pa…
same hospital pa rin, normal na daw kapag ikaw ay nasa nurse’s station kapag gabi ay may magba-buzzer sa room ### basta di ko na ma-recall kung ano yung room number… pero pag nagpapunta ka naman doon, walang pasyente sa kuwartong yun… at hindi lang minsan mangyari ito sa magdamag…
aware din ako na may white lady sa tinitirhan ko ngayon kasi di pa ako dun nagrerent, nakikitulog pa lang ako noon ay nakita ko na yung white lady na nasa loob ng kuwarto… isang pamilya ang umuupa sa baba, actually ilang bahay lang ang dati nilang bahay mula sa amin sa villamor, yung isa pala nilang anak ay nagbigti dati sa bahay nila kaya siguro hanggang sa lumipat na sila ay summa yung kaluluwa nung nagpakamatay at siya nga yung nagpapakita na white lady… lagi-lagi kahit may nag-iinuman, nagpapakita siya kaya normal na lang pero kakatakot pa rin…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento