Everytime may videoke at may tutugtog na kanta lagi ko sinasabi..”favorite ko yan!” kaya naririndi na ang mga friends ko minsan kasi lahat na lang daw favorite ko hahaha… sige i’ll share my pinaka favorites (may sub-categories pa yan hehe)…
siyempre pagdating sa mga friends, walang favorite sa akin depende na lang sa closeness hehehe para safe….
FOOD - ano ba ito, junk food, ulam, dessert…. so far ang favorite kong fastfood ay sa kfc at everytime na lang na oorder ako dun, lagi na lang “1 pc chicken breast part please tsaka yung hot(spicy)”, pero kapag wala nawawalan ako ng gana… tip: pag oorder kayo ng chicken dapat laging breast part kasi yun yung puro laman… tapos ang ultimate favorite (redundant ba?) meal ko ay matatagpuan sa Zuppah 3rd flr cybermall, eastwood… ang name nung food ay pesto presto… as usual chicken na naman (strips naman) on top of a rice na may kasamang pesto oil ba yun? tapos may kasamang tomato yummm… yun nga lang nagtaas na din sila ng presyo, dati 85 lang pero ngayon 95 na! i’m wondering nga baka may halong diesel eh hehehe… hindi ako nagpapakamasa pero favorite ko din yung young’s town sardines na red, bata pa ako yun na eh hehehe tanong n’yo pa sa mga boardmates ko dati… lalo na pag ginisa mo sa madaming bawang at kamatis at halos wala na siya sarsa yummy! pag panahon naman ng mga mangga, kahit araw-arawin ko pa yun isawsaw sa suka na matamis pero super anghang naglalaway tuloy ako hehehe…. pero pag wala akong mahanap na mangga, pinagtyatyagaan ko na lang yung kamiyas namin sa likod hehehe… mula nung matuto akong magluto, naging favorite ko nang lutuin ang pinakbet, and at the same time paborito ko na din siyang ulam hehehe….
TAMBAYAN - dahil sa gala nga ako, madami akong naging tambayan mula elementary hanggang ngayon…
first tambayan namin nung elementary ako ay sa tramo, bahay nina kc cabanayan… kung wala man kami dun, nasa bukid naman kami ewan ko ba… minsan din sa may cabitnongan when karen acosta was still here, naliligo kami dun sa banawang ewwww hahaha!!! yun lang naman so far ang naaalala ko na tinatambayan namin (remind me of other places please)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi6ybt7Zs3L1p5j8BYSa3WB64bPvTxYYpiy4mmCu8AYGDz4ksNPgwBUZA_zc8zIK4h5ClzmjRBDVkgxh0IFVbDUuLJkHwnzhCcqoEO9r3FARcu-DTdJk8EHMC0q7-VKVMPbuyu0y53w-Lg/s320/P140111_17.28.jpg)
nung college naman ako kung hindi sa computer shop eh sa printing press o di ba ibang level na ito? kasinaman no as a maskom student lagi na lang project na kundi magazine, sitcom, newspaper at kung anu-ano pa… nakakarating pa kami sa lyceum para lang maki print at gumawa ng libro hahaha thanks sir joven…. kaka-miss din sina l.a, gladys, jeezaa, gizelle, adonis, chat, charlton, chester, jhey-em, fale at marami pang iba… of course sa boarding house namin sa amado noh…. nakakarating din kami sa bonuan beach kahit bumabagyo kasama ko si sheng, camomile at cristaflor…. sa anolid, mangaldan para lang mag videoke with sheryl, nelly, divina at clint hehehe siyempre para may service kami… same people din mga kasama ko kahit mga 7pm sa mangatarem, joyride lang sa hospital dun na haunted at sa aguilar ngiiii ayoko na banggitin….
saka ko na itutuloy to guys sorry sa pagkabitin…