Today is August 19, 2013 at sana may aatendan kaming seminar on Campus Journalism ang kaso dahil sa ulan na dala ni Tropical Storm Maring eh nangyari ang pinakaaasam ng bawat estudyante - ang pag-aanounce na walang pasok. Kung susumahin eh mayroon dapat tatlong holidays ang buwan ng August at hindi ko na kailangang isa-isahin ngunit dahil sa mga bagyong dumalaw sa ating bansa, more or less siguro two weeks ang walang pasok sa buwan na ito. Mabuti sana kung kasamang tinangay ng mga bagyo ang mga magnanakaw at nagnanakaw ng pork barrel. (Ibang topic naman yun...) Maraming nang nag-propose na kongresista na ilipat ang pasukan sa September kasi nga masyadong maulan sa mga buwan ng June at July at pati na rin August pero ewan ko ba kung bakit inuuna ang ibang mga Bill sa Congress (magresearch kayo kung ano yung mga yun) kesa ang kapakanan ng mga estudyante.
Isipin ninyo yung kaligtasan ng mga estudyante tuwing bumabaha at may pasok sila. Paano iyong mga tumatawid pa ng ilog sa kanilang pagpasok sa paaralan? Mas mabuti ng pumasok sila sa school ng summer atleast kahit mainit, pwedeng remedyuhan kesa naman nababasa sila kapag tag-ulan di ba? Maliban pa diyan ang mga sakit tulad ng nakamamatay na dengue at leptospirosis na dala naman ng ihi ng daga. Pagmasdan ninyo ang larawan sa ibaba, paano kung nagkataong may sugat ang mga estudyante at lumusong sila sa baha na puro mikrobyo? Hindi mga opisyales ang magkakasakit di vah?!
Ang hirap pa sa tuwing may malakas na ulan eh nalilito ang bawat isa parang ngayon, sabi ni Sec. Ochoa ALL-LEVELS daw walang pasok kasali na ang Pangasinan tapos sabi naman ni Administrator Baraan, pre-school to high school, sa tertiary depende sa LGU o university daw ang mag-aanounce. DepEd does not suspend classes naman ang linya nila. Kung LGU lang sana eh di LGU lang kasi sila naman ang nakasasakop sa school at alam nila ang sitwasyon.
Ang rason naman ng iba kung bakit tutol sila na ilipat ang klase ay sa kadahilanang nasanay na daw tayo sa ganung pasukan. Ganun na lang ba yun? Ang magbabago lang naman eh yung petsa at iyong panahon. Kailangan pa daw pag-aralan. Hindi pa ba sinisimulan? Noon pa yan sinasabing pag-aralan, e di sana graduate na iyong mag-aaral sana ng proposal na iyan kung sinimulan pa noon?!
A basta sana mailipat ang pasukan sa September period. Ipopost ko na ito di ko na ieedit hehehe....